Spread the love
Isang Pilipino ang pinugutan sa Saudi Arabia noong Biyernes matapos ma-convict sa kasong pagpatay, ayon sa ulat ng Agence France-Presse (AFP).
Sinasabing binaril ng Pilipinong si Carletto Lana ang Saudi national na si Nasser al-Gahtani bago niya ito sinagasaan ng kotse, ayon naman sa SPA news agency.
Sa Riyadh isinagawa ang pagpataw ng parusang kamatayan.
Batay sa tally ng AFP, nasa 80 mga dayuhan at Saudi na ang pinatawan ng parusang kamatayan sa Saudi Arabia ngayong taon.
Kabilang sa mga krimen na ginagamitan ng parusang kamatayan sa Saudi Arabia batay na rin sa Islamic sharia law ay panggagahasa, pagpatay, apostasy, drug trafficking, at armed robbery.
Via : dzmm
Spread the love