ANG KABUTIHAN NG AKING AMO
Ako po ay si Jean Pedrina, Nakatira sa bayan Ng San Jose, Antique at 6 sa pitong magkakapatid ang ibabahagi ko sa Inyo na kwento Ng buhay ko at Buhay abroad.
Sana Ito ay magsisilbing inspirasyon sa kapwa ko OFW at kapwa Pilipino. Nagsimula anong mag abroad buwan Ng Setyembre 18,2008 at hanggang sa kasalukuyan. Nag abroad po ako sa kadahilanan na mabigyan ko Ng magandang buhay at masuportahan ang pinakamamahal kung magulang.Ano ba naman any konting sakripisyo na gagawin ko Para sa kanilang pagsakripisyo mula akoy sinilang sa mundo at maging sa paglaki ko. Marami akong karanasan matawag na “First Time”. Unang beses makasakay ng eroplano,mangibang bansa,pumunta ng airport ako ng airport na nsa isip ko ano Una kong gawin dahil di ako dumaan ng training. Ngunit determinado nagdasal ako Lord ikaw na bahala sa akin guide niyo po ako sa gagawin ko. Naging maayos ang lahat nakalosot ako ng immigration.
Nung NASA eroplano na ako tanging baon ko Bible,Rosary at pangarap ko na mabigyan ng magandang buhay ang magulang ko.At sabi ko Lord sayo ko pinagkakatiwala ang lahat pagdating ng agency sa Singapore marami kami at ang pagkain parang di ko makain dahil nanibago ako pero inisip ko simula pa lang to ng pagsubok kaya ko to ginawa ko bawat subo inom ng tubig Para pumasok sa lalamunan ko.at pinalalakas sarili ko na kaya ko to.Unang kontrata ko ang sungit ng amo ko kunting bagay nagagalit kahit mali niya nagsosory ako at ginagawa ko pumapasok ako ng banyo at dun umiyak at magdasal sa panginoon di pala ganun kadali ang abroad kahit kasalanan ng amo ikaw magsorry kung kinakailangan Para matapos ang lahat.Pero lahat ng kabutihan,pasensya,paggalang at pag aaruga sa kanya ginawa ko hanggang sa naapreciate niya lahat ng ginawa ko.
Hanggang dumating Yung time naging close kami sa isat-Isa at kinuwento namin dalawa Yung malungkot at masayang bahagi Ng aming buhay, At dahil sa amo ko na si Yvonne Yin MAs lalo ako napalapit sa Diyos sinali niya ako sa bible study nlang magkaibigan at ako lang kasambahay at narinig ko na pinagmamalaki niya ako sa mga friends na di lang daw kasambahay ang role ko kundi kaibigan, personal assistant, pamilya niya at fashion consultant.
Ang sarap sa pakiramdam pakinggan at dito din sa bansang Ito nkatagpo ako ng bagong kaibigan at nakilala ko ang mga kamag anak ko.2012 nang magsabi ang amo ko sa akin na Jean dba may sakit ang tatay mo at kailangan niya Ng operasyon sagot ko opo pero kailangan ko muna mag ipon dahil kulang pa pera ko sagot baka nextyear pa sabi niya matagal pa yun baka lumala na sakit niya.Pa general check up niyo siya bigyan Kita pera tas pag alam na sakit tanungin mo kung magkano lahat magagagastos tutulungan Kita sa narinig ko sa sinabi niya daig ko pa nanalo ng jackpot sa lotto.
Higit 100 thousand ang kailangan sa operasyon Ng tatay nagschedule doctor Dec 2012 pero dahil napaaga ang pagpadala Ng pera Oct.pinaoperahan ang tatay ko, grabe ang pagmalasakit Ng boss ko sa akin bago pinasok tatay ko O.R kinausap niya at snabihan na ipagdasal namin at nun time maaga siya nagising at umpisa kami nagdadasal nararamdaman niya nanginginig kamay ko niyakap niya ako Ng mahigpit.pati siya di mapakali after 2 hrs and 1/2 nkalabas ang tatay ko sa O.R nagpray ulit kami Para mag thank you sa maayos na operasyon Ng tatay ko.Doon ko napagtanto ang pagmamahal at pagcare Ni Maam sa akin.At dumating ang time na discharge tatay ko Ng hospital nagcol sila Para magpasalamat sa kabutihang loob Ng amo ko. Kahit di alam Ni tatay mag ingles ang tanging lumabas sa bunganga niya thank you maam for helping me.tas si inay din nagpasalamat sa kanya.Nag Thank you din si amo.Sabi niya Thank you sa anak niyong si Jean dahil mahal niya ako at inaalagaan lalo na pag may sakit ako. Thank dahil maganda ang pagturo at pagpapalaki niyo sa kanya. Umiyak nanay sa narinig niya sabi sia na nga tumolong sa atin siya pa ang nagpasalamat sa akin.Thankful ako Kay Lord dahil nakatagpo ako dito Ng matawag ko 2nd family at 2nd na tahanan.
.
Hindi pala dahil sa kadugo mo magkaroon ka Ng pamilya kundi kahit di mo kadugo pwde mo maging kapamilya. At ang ginawa Ng amo ko ay bagay na itetreasure ko habangbuhay dahil Kay God at sa kanya nagkaroon Ng second life ang tatay ko. At sa pagretire niya sasama siya sa akin sa pagbakasyon sa Antique para nakilala niya ang magulang ko Ng personal ang parents ko. Sana ang munting story Ng bahagi buhay ko ay makapagbigay inspirasyon sa lahat Ng nakakabasa nito di po ako sumali sa contest Para sa prize kundi dahil gusto ko lang magbigay insipirasyon at mabigyan din Ng karalangan ang kabutihan Ng boss ko at Ang kabutihang loob na pinapakita ko ay higit na karangalan Para sa magulang ko.
Kaya sa nangangarap mag abroad huwag matakot basta baon mo sipag,tiyaga,mahabang pasensiya at pagserbsyo Ng maayos,pagmamahal sa work ,honesty at higit sa lahat dasal at pananalig sa Diyos ano pa hinihintay baka Ito din makakapag babago Ng buhay at ikakatagumpay niyo.
Sana po maging parte ka sa website na etoh
Padala mo na kwento mo sa [email protected]