Hindi naiwasan ng isang overseas Filipino worker (OFW) na galing mula sa Saudi Arabia na maging emosyunal nang ibahagi nito ang kanyang masaklap na karanasan sa naging amo nito sa nasabing bansa.
Sa panayan ng Bombo Radyo sa naturang OFW na hindi pinangalanan ay dalawang buwan lamang na nagtrabaho bilang domestic helper sa Saudi dahil hindi niya kinayanan ang pang-aabuso sa kanya ng kanyang amo.
Aniya, nagmistula siyang preso sa loob mismo ng bahay ng kanyang amo dahil hindi siya pinapayagang lumabas o mag-day off, pinapakain siya ng mga tira-tira at may mga pagkakataon pang pinaghuhubad siya.
Nang hindi na siya makatiis ay tumakas kung saan isang underwear at damit lamang nito ang nadala niya ngunit bago siya nakarating da Philippine Embassy ay nakatagpo siya ng isang taxi driver na nagdala sa kanya sa disyerto.
Ngunit pagdating niya sa embahada ay dito niya nasaksihan ang maraming kapwa OFW na mas masahol pa ang nangyari sa kanila.
Sinabi niya kampante sana siya sa piling ng mga embassy officials ngunit naobserbahan din niya na ang mga donasyon na para sana sa mga OFWs ay hindi rin naibibigay sa kanila ng husto.
Via :Bomboradyo