sa atin na mga magigiting na OFW pakibasa na lang …maraming salamat po. MABUHAY PO KAYO!
Message:
Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.
At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa. …..
Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.
Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa’t isa ang
tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW. Tiyak na may mapupulot
tayong aral dito.
Hindi mayaman ang OFW – We have this notion na ‘pag OFW o nasa abroad ay
mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P30K
per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas
malaki ang sweldo, but to say that they’re rich is a fallacy (amen!).
Malaki ang pangangailangan kaya karamihan ay nag-a-abroad. Maraming
bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis ang mga pipol sa
Philippines . Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition
ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirap maging OFW – Kailangan magtipid hangga’t kaya. Oo, masarap ang
pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo at itlog lang tinitira
para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan
eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na magtiis
sa konti kaysa gutumin ang pamilya. Kapag umuuwi, kailangan may baon
kahit konti kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o
naghihintay sa probinsya. Alam mo naman ‘pag Pinoy, yung tsismis na OFW
ka eh surely attracts a lot of kin.
Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan
ka na. Well, hindi naman lahat pero I’m sure sa mga OFW dito eh may mga
pangyayaring ganun. Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin sa mga
Pinoy. Malamang marami ang naka-experience ng gulang o discrimination to
their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iniiyak na lang kasi
kawawa naman pamilya ‘pag umuwi.
Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon.
Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis
lang kahit maraming Kupal sa trabaho, kahit may sakit at walang
nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working
conditions, kahit delikado, kahit mahirap.. Kapag nakapadala ka na, okay
na, tawag lang, “hello! kumusta na kayo?”..
Hindi bato ang OFW – Tao rin ang OFW, hindi money o cash machine.
Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit, nag-iisip at
nagugutom. Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally
o spiritually man lang.
peter lopez
depend po yan sa setwasyon ng isang OFW kasi po meron pong OFW marami pong category yan let say po nag Migrate ka sa US or Canada isa yan OFW ka, meron naman po na tinatawag na typical na OFW meaning hired sila from Pinas to work overseas as contract basis tawag po don Expatriate na Pinoy(SKilled Professional) OFW din yan. malaki po ang difference po ng mga yan. let me explain..
kung nag Migrate ka meaning you are work or stay permanent or pwede ka na doon mismo ilibing pag kung sakaling namatay ka don sa pupuntahan mo like US, Canada, Australia, New Zealand. Basically pag landing mo don wala ka pang work na papasukan pero kung meron na or na arranged mo na much more better. sa mga nabanggit kong countries basically mataas ang mga Taxes dyan at natural mataas din ang standard of living, at dito pwede ka na rin bumili ng properties like houses ect.. unlike sa typical na OFW na contract basis and mostly deploy sa mga Oil Producing countries hindi ka pwedeng bumili ng properties mo like houses, land,at hindi karin pwedeng maging Permanent Resident at kung sakaling namatay ang worker for sure iuuwi yan yong bangkay sa Pinas for free kasi cover yan ng OWWA benefits at optional pa kung muslim si kabayan pwede narin mismo sa muslim country sya ilibing. At ang typical na OFW pag landing nya sa pupuntahan nya meron na syang work na papasukan kasi naka perma na sya ng contrata doon palang sa PInas at alam nya na mismo ang mga benefits nya sa company na papasukan nya. Basically ang typical na nasa Contrata ay mga sumosunod:
1 free accomodation(living, electric, water eto basically company compound pero pag wala converted eto into cash they called it housing allowance), free transportation from working site to accomodation pero some company they give Transportation Allowance, free food(thru MessHall) or food allowance converted to cash if they don’t have MessHall.
2 Free health insurance for workers.
3 Free airfare from working site to Pinas upon finishing the contract (basically 2 years yan)
4 annualy leave or vacation pay for 1 month upon finishing the contract (basically 2 years yan)
5 End of Service Benefits(ESB for Middleast Country).
eto pa ang matinde pag isang Expatriate na pinoy hired as high position natural matinde din ang mga benefits ng mga yan na nakalagay na mismo sa contrata nila tulad ng nabanggit ko sa taas additioanal pa yong dependant school allowance, free airfare for dependant and health insurance. at kung yong company at meron na tinatawag na family accomodation or company compound for family, (free of cost yon Living, Electric and Water.) yan lamang po ang nalalaman ko bilang Expat na pinoy for more than 10years.
At the same time po pag sa Oil Producing country si kabayan mag wowork wala po yan Tax sa mga bansa na yan they call it Tax Free country at napaka-mura po ng Petrol per liter kay karamihan si Kabayan may mga sasakyan na magagara. yan lamang po ang ma-eshare ko bilang expat na pinoy morethan 10years maaring sa ngayon may mga nabago dyan sa mga nabanggit ko pero most probably po ganyan parin.
virgilio biandilla
kabayan ang topic ay OFW,di immigrant sana naintindihan mo yong gustong iparating ng writer..
jcg
Doon na pumapasok ang sabi ni Mr writer na word “KUPAL”…HAHAHA,kupal yang hindi marunong umintindi..baka hindi nya matanggap na siya ay isang OFW…simple lang yan,pag lumabas ka ng pinas or nag work ka abroad OFW PARIN IKAW!!be proud kabayan…KESYO PERMANENT RESIDENT KA OR CONTRACTUAL PAWAN DIN YAN..WAG MO SABIHING,MAG KANSAS IBA YAN..KASI NAG PAPADALA KATARIN SA PINAS!!MABUHAY PO KAYO MR.BATONGBAKAL!!MABUHAY DIN YUNG KUPAL NA PINOY,NA NAG PAPAHIRAP SAKAPWA PINOY..MGA SIPSEP
Derick
@ Virgilio….EXACTLY…Peter Lopez if you don’t know the difference between an immigrant and OFW just don’t say anything.
richel
nakakaiyak pag ofw kang nagbabasa kasi alam mong totoo at naranasan na mabuhay po mga modern heroes OFW!
joy
Tama po….
Jamel
Thanks for the article, very well said. It’s the real life the truth. OFW OR IMMIGRANT is the same the only different is what job you are in!? Ex. If your working in a oil company and you have senior position your salary per month is more or less $9,000 CAD. Unlike food change or low skill workers gets $1100 to $1200. Key is plan your goal! Means there’s a limit. Don’t just DREAM it because it is no ending.
Godbless po!
juliet
Sa atin din naman pong naiwan sa pinas, pahalagahan po ntn ang dakilang sakripisyo ng ating mga kapamilyang lumayo pra mgtrabaho sa ibang bansa..sana po bwat sentimo na pdala nla ay ating ilaan sa tama.bawat isa ay my knya knyang priority sa pglalaanan nla ng pera pro kng mkkainvest lng dn ng bhay, bznz o anumang pgkkakitaan ay maging masinop po tyo.hndi po dpat pnghabang buhay ang pangingibang bansa ng ating mga mhal sa buhay.pahalagahan po ntn ang mgandang samahan ng pamilya at katuwang ang bawat isa.
Shai
Tama po kau kuya… Nakaka touch..kahit hirap na hirap n tinitiis lahat para lng may maibigay sa pamilya..kaya kailangan lng tlga natin mga ofw magpakatatag at manalangin sa dios PRA s araw araw n lakas..
Meriana
This is True, i a have seen it with my own two eyes. Madami kasama ang daddy ko na ganito sitwasyon nila nung OFW pa sila mama at papa sa Saudi matagal din na panahon na nagstay family ko sa Saudi, yung line sa mga kamag anak, its all True, yung nalulunkot kaya nakahanap na ng ibang partner its also true…meron friend si papa na dun na sa Saudi tumanda at inatake namatay na kakatrabaho para sa pamilya….and so goes the different stories..Bottom Line is A lot of sacrifices and hardships for a common OFW these experiences are Shared emotionally on this article….and of course from Other’s point of view gusto yata MAGPASIKAT…kaya nag cocomment naman about ANOTHER LIFESTYLE OR immigration, that is a Far cry from this Article.
Dont Push it! and there are some who just say BLAH BLAH BLAH…MAY MASABI LANG…..
For the OFW people out there, I Hope your Sacrifices would not be in VAIN..and for those who just Say BLAH BLAH BLAH……why dont you SHOVE your words down your Ass! Maybe you might feel a little bit of Sympathy..
jem
Salamat kay Sir Bartolome Batongbakal sa napakagandang article.
Bakit nga kaya hindi maalis sa isip ng mga kmag-anak o kung sino mang tao sa pinas na once na nag-abroad e mayaman na? Sa totoo mahirap kasi nagsakripisyo tayo pra matustusan ang lahat ng pangangailangan ng pamilya, nagsakripisyo na malayo sa pamilya pra lang kumita ng pera. Kung sila siguro ang nasa sitwasyon natin, maiintindihan din nila na hndi lahat ng OFW ay nkakakuha ng maganda at sapat na sahod para pangtustos sa gastusin ng pamilya na nasa pinas.
Sana po i-share pa natin tong article na ito,para mabasa ng mas marami, at para maintindihan nila ang tunay na buhay ng OFW.
Saludo po ako sa lahat ng OFW sa buong mundo…
Ryan
I’m not an OFW! Not all pinoys working overseas are OFW! Nag work sa US, naging GC then citizen! Sa NAIA, i dont queue on OFW line in d immigration!
Baka ung writer, not nice experience nya sa pagiging OFW nya! Hnd po lahat ganyan, merong sinuswerte, taas ng posisyon with very good pay! Ok lang sa kanila bumili ng expensive cars, nice house or travel around d world kasi sinwrete cla sa work nila sa US. They have money… We all have to work to have money. Hnd dahil nasa US ka e, work to death ka to money…NO… Depende sa klase ng work yan…
independencio so
mga Mahal kong kababayan OFW at Imigrante ka man, lahat na komento nyo d2 ay Tama pero ang KinaLulungkot ko d2 dhil karamihan sa atin sa Tagal nang nagTratrabaho sa ibang bansa Hinde pa rin Ma-i-ahon sa Kahirapan ang kanilang mga Pamilya at BKIT? ito ay akin Opinyon lamang dhil sa Obserbasyon ko sa mga Dakilang OFW na sila ang May pinakaMalaking Kontribyuson sa ating Gobyerno para ba silang Napapabayaan ng ating pamahalaan dhil una sa lahat itong mga OFW sa pilipinas pa lang Biktima na sila ng mga Illegal Recruiter at Fake Employment Agency at isipin na lang natin na ang mga Aplikante na mga ito Nangutang,Nagsanla at Nagbenta ng kanilang mga Ari-arian para lamang Ma-i-tawid sa Kahirapan ang kanilang mga pamilya ngunit Wala po silang Proteksyon sa ating gobyerno at Hanggang ngayon Hinde pa nga sila NakakaAlis ng ating bansa ay BA-ON na sila sa UTANG at ang kanilang mga KASO ay Hinde pa Dinidinig! Mayroon nman mga NakaAlis lalo na sa parte ng Middle East at Puro din Problema dhil ang Sestima ng Recruiter Agency pagnaKuha na nila ang kanilang Commission Bahala na System ang mga OFW pagdating nila sa kanilang Employer at yong iba ay Hinde sinusunod ng mga Employer kung ano ang nakaSulat sa Contract nila at ang pinakaMalungkot d2 ay ang pang- AABUSO,Maltrato at minsan pinaPatay pa ang ating mga Tapat at Hard working na OFW sa ibang bansa at SA-AN na ba ang mga PROTEKSYON, KARAPATAN at HUSTISYA ng ating mga OFW at Tila Napapabayaan ng ating gobyerno ang kanilang Obligasyon at Hanggang ngayon yong iba ay Humuhingi ng Hustisya at Suporta sa kanilang pamilya!May mga Embassy nga tayo na tinatawag sa ibang bansa pero mga Irresponsable nman dhil Hinde nila Matulungan ang mga OFW natin at lalo na sa mga Financail nilang pangangailangan at khit nga nasa pilipinas na Pinapahirapan pa sila bago makakuha ng Family Financial Support at sana ito ang pagTu-unan ng ating gobyerno ang mga Benefits & Welfare of the OFW natin..Mabuhay kayong lahat na mga OFW kahit man saan kayo Naroroon sa Apat na Sulok ng Mundo!Para nman sa kapwa ko Imigrante or Citizen sa ibang bansa at kung Gusto nyo rin umunlad at Hwag problemahin ng husto ang mga Bayaran dhil Hinde nman tayo Namumulot ng Salapi d2 sa ibang bansa IWASAN ang mga Luho sa sarili na mga Mamahalin at lalong Iwasan ang pagSusugal,Paninigarilyo at iba pa kung Gusto nyo Umunlad ang Buhay nyo at lalo na dyan sa mga Credit Cards dhil kala nyo sarili nyong Pera ang ginagamit nyo at Wala kayong mga CONTROL at Alam ko lahat tayo ay may mga BISYO pero nasa Sarili natin ang pagKokontrol at kung maaari ay Iwasan na natin para Hinde lalo tayo maBaon sa Utang at Malulong sa mga Bisyo! Salamat po at sana SANG-AYON kayo sa sinabi ko at Mabuhay po tayong laha!We are PROUD to be a FILIPINO kahit mga DUAL Citizenship na tayo…God bless US All…
hanna
Bakit ba kung maka comment ang iba dito sobrang angas,grabe makatira.eH TOTOO naman lahat eh ,unless otherwise yung ibang ofw ay talagang inulan ng swerte, pasensya napo kasi ganoon talaga ang buhay karamihan ng ofw…matanong ko lng OFW po ba kau??? parang di kayo nakakarelate eh, Kami ng husband ko tagal na ring ofw,and of course dahil doon I could say maganda na rin naman ang buhay namin dito sa abroad pero nandoon talaga ang ugaling pinoy na kapag abroad ka…share ka rin kahit paanu, Pamilya eh…plus pag umuwi naman ng pinas ang isang ofw sa palagay mo ba may mapapasukang trabaho na matino ang sweldo????Huwag sanang epal at ipokrito, dahil lahat ng sinabi ng writter nato totoo.
Fernando Veri Jr
Sir/Mam, I want to applied for security officer I’m in abu dhabi I am 5yrs working experience in etihad tower as patrolling security until now I hope give a change to share my abilities thank you so much and God bless….
Evelyn Calusa
OFW contract worker,,,,,,
BALIKBAYAN— mga Citizen or immigrant na ang mga yan.
Nasa tao na yan,, kahit saan ang tao kung Pinas man o Abroad -, pag hindi marunong mag discarte sa buhay ay wala parin.
Nicole
This is all so true. Ive been offered many times by my clients to work in the US. Bkit p eh malaki nmn sahod ko dito at mas may freedom din ako to get leisure. Sa amerika dolyar din ang gagastusin mo in fact ung mga ngbbkasyon dito hirap p mgipon para mkauwi kc mahal daw ticket or madalas credit card gamit. I guess nasa sa tao n kung marunong silang mkuntento. If its just to live comfortably, pgsumikapan lng. Ive a car, sariling bahay, a good work and enough savings. And im happy.
josephine
hindi na dapat pag talunan kong ofw or immigrant ang message dito ano ang buhay abroad
weng
wag nlng nating banggitin lahat ng iyana…kung gustong tumulong, di padalahan ang pamilya mo , pero kung palagi nlng sasabihin ang paghihirap a kaunting kita s abroad , mas mabuti pang wag ka na lang tumulong s iyong pamilya s pinas…pero tayong mga pinoy ay tatak n talaga ang tumulong …. di ba guys….
Socrates C. Punay
Maganda ang paliwanag mo tungkol sa buhay diyan sa Amerika o kaya Canada man. Mahirap din pala ang binubuno mong buhay diyan. Ang tanong ko lang, bakit ang dami pa rin, sa kabila ng paliwanag mo, ang pumipila sa mga embahada ng Canada at Amerika na gustong manirahan diyan? Bakit hindi ka na lang umuwi sa Pinas kung sa palagay mo ay mas maigi ang buhay dito? Why did you immigrate to Canada in the first place and not just stayed in the Philippines? There seems to be a gap in your explanation between the kind of life you have there and the life in RP. Please elucidate the comparison of the Philippine lifestyle in your place and lifestyle where you originally hail from in our country. Thanks.
JOPET
MABUHAY ANG MGA FILIPINO!
MABUHAY ANG MGA OFW!
PROUD TO BE FILIPINO!
GOD BLESS US ALL
Catherine buckius
Depende sa gusto ng bawat is a na lifestyle.
Eduardo Maresca
Bilang foreign na asawa ng isang Pilipina (nakatira ako sa Italya) ang masasabi ko ay:
1 dito ang average na sweldo ng isang trabahador ay bihirang lumalampas ng 1500 euro sa isang buwan at ang upa lang ng bahay + bills + pagkain + insurance at pagmamantini ng kotse + gasolina etc ay pwedeng umabot sa 3000=papaano magiging mayaman ang OFW? Bihira nagiging mayaman ang taga-rito
2 ang mga Pinoy na may magandang kotse at bagong electronic gadget ay may ka-boarder sa bahay, ibig sabihin na 2 o kahit 3 pamilya ay nakatira sa isang apartment (at madalas 1 lang ang C.R.)
3 karamihan ng mga Pilipino dito ay utang nang utang at walang pondo (mayroon lang silang “Fundador” pero “pondo” ay wala)
Ibig sabihin: walang paraiso dito