Higit 5,000 factory workers ang kailangan ng South Korea ngayong taon.
Nasa 5,400 Pinoy workers ang kailangan ngayon sa electronics, textile, chemical, at food processing factories sa South Korea. Aabot ang suweldo sa $1,200 o P59,000 kada buwan, ngunit maaari pa itong madagdagan, ayon sa Philippine Overseas Employment Agency (POEA).
“Pag masipag ka pa, aabutin ng P90,000. Ibig sabihin ko sa masipag, ‘yung mga overtime,” ayon kay Jocelyn Sanchez, ang deputy administrator ng POEA.
Walang placement fee dahil gobyerno sa gobyerno ang setup. POEA lang ang puwedeng magproseso ng lahat ng aplikante. Ibig sabihin, makasisigurong maayos ang employer.
Upang mag-apply, kailangan lang mag-register sa employment permit system sa website ng POEA para maiskedyul ang isang skills test.
Hindi na kailangan pa ang job interview dahil online ang aplikasyon.
Kapag pumasa, kasama na sa listahan ng mga pagpipilian ng mga Korean employer.
Ilan sa mga tinitingnan ng emplyer kada aplikante ay ang score sa skills test at ang haba ng karanasan sa pagtatrabaho.
“Higher the score, mas priority ka i-hire. Sa pinag-aralan, kahit high school graduate. Sa experience, mabuti kung mahaba,” ayon kay Sanchez.
Mayroon ding basic Korean language test na kailangang ipasa kaya kailangan ding dumaan sa isang language training bago mag-exam.
Kapag napili na ng employer, kanya-kanyang ayos ng visa at bili ng tiket sa eroplano.
Pero sa kalkulasyon ng POEA, hindi aabot ng P30,000 ang gagastusin ng isang bagong hire.
Taon-taon ang pangangailangan ng South Korea, kaya maganda raw na ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ang mga requirement.
Source ABS-CBN
arnel panes
pano po mag apply dito.magandang opportunity po ito..help amn po
Gemma panti
Paano po mag apply… If kng willing mag apply dto…
Joseph
Pano po mag online apply? please reply mo interested po ako,
Benny S. Ty
Gud pm. Po pano po makaka pag apply?
Gil john jordan flores
interesado po…………paano mag apply online.
Gil john jordan flores
paano po mag apply online
Rigor M. Andes
Apply for factory worker in korea
Rigor M. Andes
Apply for factory worker
Rhodora Batara
Pano po mg apply dto