How hard is it to work abroad? Others would think that people working abroad and earning foreign currencies are rich and do not have a single problem in life. Reality check, this OFW shares her real-life experiences. She is not alone, her experiences are relatable to almost all OFWs working so hard to provide a better life for their families back home.
She is Fiang Fe Fhaye Padz. She was able to finish college so she got an office job. It was her dream, to work in an office, with presentable clothes, working in front of the computer whole day, checking reports, assisting the boss, and keyboard, ball pen, paper and mobile phone are her partners during work time. She is indeed a professional.
Despite that, she is not happy. Because her salary is not enough for her needs. She can’t even buy the things she likes. She can’t afford decent foods. She can’t go to places she likes. She is in tight budget, every single day. She thought that working in an office will make her happy. But she was wrong.
Video 1
Posted by Fiang Fe Fhaye Padz on Saturday, June 17, 2017
She decided to go abroad. Contrary to her previous work, Fhaye is now working as a factory worker. She is working in front of the rubber whole day. But she is happy. She can provide the needs of her family in the Philippines. Her salary is 10x more than her office job.
People often judge her work. According to them, she’s supposed to work a better job than the ones she is doing right now. But she never cared. She is happy with what she is doing, especially because she can finally provide the financial needs of her family.
This is a common scenario of Overseas Filipino Workers all over the world. They cope even through the hardest jobs, without complain. Fhaye is one of the many modern heroes of our time – the Overseas Filipino Workers.
Kudos to all OFWs all over the world!
The Post :
Nag-aral. Nakapagtapos. Nag-opisina. Nag-abroad. Nag-pabrika!
Yung feeling na na-pepressure ka sa mga nakapaligid sayo kasi ang taas ng expectation nila sa’yo. GANYAN AKO NOON.
Office girl! Pangarap yata tu ng lahat ng promding tulad ko. Kaysarap isipin na minsan mo nang natupad ang munti mong pangarap. May sariling mesa. Magandang uniporme. Buong araw na nakaharap sa computer. Nag-aassist. Nag-checheck ng reports. Nag-aaprove. Keyboard, ballpen, papel at cellphone ang partners sa trabaho. Paikot-ikot sa swivel chair. Nagkakape. Nag-bebreaktime anytime. Naka-aircon. Yung feel ko ang pagiging professional.
‘Yung feeling na abot kamay mo na ang pangarap mo pero laging baliktad ang bulsa mo. Maganda nga ang trabaho pero hindi ko nga halos kayang buhayin ang sarili ko. ‘Yung feeling na gusto kong bumili ng burger sa Jollibee during payday pero laging next time nalang kasi kulang sa budget. ‘Yung times na gusto kong gumala pero sayang ‘yung Php7.00 na pamasahe kaya huwag na lang. Bawat peso nakabudget Yung naglalakad na lang ako mula San Pedro hanggang Bajada kasi naubusan ng pamasahe. Yung akala nila may natira pa sa sahod mo pero wala na. Yung nag-oopisina ka nga pero lage mong ulam itlog at noodles kasi laging inuuna ang pamilya. ‘Yung akala mo masaya ka pero hindi pala.
GANITO NAMAN NGAYON…
‘Yung araw-araw kaharap ko’y bakal at goma. ‘Yung tinitiis ang sobrang init ‘pag summer at sobrang lamig ‘pag winter. ‘Yung minsa’y gusto mo nang hampasin ng goma ‘yung kasama mong ibang lahi pero nagkocontrol ka dahil kailangan. ‘Yung gusto munang umiyak sa inis at pagod. ‘Yung namimiss mo sila pero sila di ka man lang kinukumusta. ‘Yung hinihintay mong magpasalamat sila pero minsan nakakalimot pa. ‘Yung gusto mong mag-absent pero ‘pag naisip mo kung magkano ang mabawas sa sahod mo ay nagmamadali kang bumangon. Ilang kilong bigas na rin yun! ‘Yung kahit breaktime ngtatrabaho pa rin para makahabol sa kita. ‘Yung tulog silang lahat pero ako’y gising pa at sumasayaw sa harap ng goma. ‘Yung naiipit ka sa makina pero pinipigil mo ang sakit. ‘Yung kahit pagod kana pero nakuha mo pang ngumiti dahil sa bawat butil ng pawis na tumutulo ay katumbas ng ligayang maibibigay mo sa pamilyang umaasa sayo.
‘Yung naririnig ko pa sa ibang tao na ‘graduate nga pero factory worker ang bagsak’. Kelangan ko pa bang eexplain? ‘Yung kapag nag-pafactory ako ten times (10x) ang suportang naibigay ko sa aking pamilya compare sa pag-oopisina. ‘ Yung mabibili ko na lahat ng gusto ko. ‘Yung nakakain ko na lahat ng gusto kong foods. ‘Yung isang buwan na sahod dito ay katumbas ng limang buwan na sahod ko sa Pinas. ‘Yung proud ako sa work ko at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba. ‘Yung nag-uumpisa pa lang ako sa buhay at hindi pa dito nagtatapos ang lahat. ‘Yung napapaisip ka na lang na ang kitid ng utak nila.
Kodus sa lahat ng kapwa ko OFW saang sulok man ng mundo. May kanya-kanya tayong laban sa buhay. Pero iisa lang ang ating mithiin, ang masuportahan at mapasaya ang mahal nating pamilya Anuman ang trabaho ninyo, saludo ako sa inyo Stay healthy and God bless us.
‘Yung matutulog na ako pero ang dami ko pang sinasabi.
#TeamSouthKorea
Video 2
Posted by Fiang Fe Fhaye Padz on Saturday, June 17, 2017