Hindi na kailangang pumunta sa korte ang mga babaing inabandona ng kanilang mga asawa para tanggalin sa kanilang pangalan ang apelyido ng kanilang mister kapag naipasa na ang panukalang batas ni dating Pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo hinggil dito.
Sa ilalim ng House Bill 6028 na tinawag na “Reversion to Maiden Name Act” na inakda ni Arroyo, bukod sa inabandona, makikinabang din sa panukalang batas ang mga babaing naaprubahan na ang kanilang legal separation, dissolution of marriage at maging kung mabalo ito.
Ginawa ni Arroyo ang nasabing pahayag dahil madalas na kailangan munang pumunta sa korte ang mga babae para ipaalis sa kanilang pangalan ang apelyido ng kanilang mister.
Read Also : Vatican makes annulment of marriage easier by waiving fees and simplifying process
Dahil dito, ayaw nang pahirapan ni Arroyo ang mga kababaihan at bibigyan na ang mga ito ng kapangyarihan na alisin o burahin ang apelyido ng kanilang mister sa kanilang pangalan sa ganitong mga kaso.
Kailangang lang pumunta ang mga babaing ito sa office of the Civil Registrar para ipaalis ang apelyido ng kanilang mister sa kanilang pangalan na hindi na kailangang gumastos ng mahal. – Abante Tonite
Sac008
This is a bullshit law!!! And what about those husband that has been left by their wife?…this law is biased!!!
Robby Bajamonde
Paano kong ang babae na ang umalis-iniwan niya si lalaki for more than 15 years?? Ano naman ang proseso….Dapat na pag usapan at payagan na walang bayad or mag file ang lalaki ng hiwalay-separation na maging walang saysay/walang silbi na ang kasal kong lumalagpas ng 10 or more na ang mag asawa ay di na nagsama at nagkita. ANO NAMAN ANG MASABI NINYO MGA CONGRESS.???
Annabel espinosa
Pano ang proseso,kung si lalaki ang iniwan ni babae,dahil si babae ay nagkasala kay lalaki….iniwan nya c lalaki at mga anak nya dahil nabuntis sya sa ibang lalaki..?ano naman ang pwede gawin ni lalaki?.