Nais ko lang i share ang post na etoh mula sa isang nagbebenta benta lang Online. Sa loob ng 7 araw biruin mo nakaipon siya ng 99,550 pesos. Pinilit niyang iponin ang mga halagang 50,100,500 at 1000.
Basahin ang kanyang post sa baba:
Posted by Rosemarie Peñamora Tan on Saturday, September 9, 2017
“7 days Challenge”?-99,550
At eto na nga! Simula sept 2,2017 naisipan kong ipunin lahat ng 50,100,500 at 1,000 na dadaan sa akin.
Gustong gusto kong wasakin alkansya ko mygad! Pero nag pigil talaga ako. Sabi ko sa sarili ko, bubuksan ko lang to sa sept 9,2017 at ngayon na un bes! 1 week tipid tipid challenge talaga. 20 lang ang di ko hinuhulog. Tig 20 lang ang ginagastos ko, pamasahe lang mula sa bahay papuntang trabaho.
Ang dami kasing lata ng “puppy love milk” na di na gamit. Kesa bumili ako ng mamahaling alkansya, ito nalang ang binutasan ko at ginawang way para mag ipon. Tutal “pet lover” naman ako, at nasa “pet industry”. Tiniis kong hindi bumili ng bagong gamit at bagong pet.
Mahilig kasi akong mag bibili ng mga bagay na walang kapararakan/ walang kwenta. Pero binago ko sarili ko.
At the age of 19 may sarili na akong online business.
At the age of 21 may sarili na akong petshop
At the age of 23 may sarili na akong restaurant
At the age of 23 may sarili na akong franchise food cart business
At the age of 23 , bumili na ako ng sarili kong bahay.
Amazing, simple lang naman akong estudyante noon na mahilig mag buy and sell ng mga gamit mula divisoria, quiapo at kung saan saan pa, tinutubuan ko ng maliit. Masarap kaya mag business, kahit online. Lalo kapag mag sisipag ka mag post online? Dadami talaga clients and customers mo❤️
Yung dating bente benteng ipon ko sa alkansya. Ngayon the more the merrier na dahil nag karoon na ako ng sariling business ko mula sa online selling ❤️
Masayang mag ipon. I’m not here para mag yabang. Dahil maraming nag cocomment at nag me message sakin na na iinspired ko daw sila sa mga post ko. Isa din po itong inspirational post ulit from me. And hopefully take it as positive. I just want to tell sa inyong lahat na mag simula na tayong mag ipon habang nasa young age pa tayo. And besides, di to full income. Hinahanda ko lang sarili ko para sa monthly bayarin. Meron akong 8 staff/crew , 2 commercial space rent, kuryente ,tubig all expenses etc. 25 cats and many dogs to feed?
Di ko naman sinasabi na sa 7 days kelangan ganto din kalaki ipon nyo. Kahit ilan naman ang mahalaga may ipon at ready tayo sa mga expenses ❤️
Mas maganda na ready na ang pera, para pag kailangan mo na may madudukot ka ! ??
Better be ready than sorry ❤️
. Kaya mga ka-fellow tamaraw students, kampay! Medtech batch 2015 here. Lab u guys!❤️ #Feu
#7daysChallenge #Rosmar #MysteriousMadreCacao #RosmarPetSalon#RosmarsCageRestaurant #RosmarsSnackPack
See video below :
Posted by Rosemarie Peñamora Tan on Saturday, September 9, 2017