Nais po naming ipabatid sa lahat ng OFWs na miyembro ng OWWA at ang kanilang pamilya na ang ahensya ay hindi nagbibigay ng mga forms para sa pangakong Php 20,000.00 na ipamimigay ni Pangulong Duterte.
Lahat po ng programa at serbisyo para sa OWWA member ay matatanggap pagkatapos ng masusing pagsisiyasat ng “credentials” ng OFW o ng kanyang pamilya. Tanging mga “official forms” lamang napwedeng makuha sa lahat ng 17 OWWA Regional Welfare Offices (RWOs) o maidownload sa OWWA website, www.owwa.gov.ph, ang aming tinatanggap.
Wala pong katotohanan ang kumakalat na Facebook post ni Ms. Angelmae Omictin Maagad tungkol dito.
Para sa tamang impormasyon laging sumangguni sa OWWA website (www.owwa.gov.ph), sa mga official numbers, (0917) 898-6992/ (+632) 551-1560/ (+632) 551-6641, at OWWA Facebook Page
Image Mula sa OWWA Facebook Page