Si ALMA isang Domestic Helper sa HONGKONG.matiyaga,masipag, marunong makisama at mapagkakatiwalaan. Bagamat nahihirapan sa trabaho dahil ilang oras lang ang naitutulog ay tinitiis nya dahil cya ay may anak na kailangang suportahan at wala siyang asawa na makakatuwang.
Isang araw na abala si ALMA sa trabaho dahil maraming bisita ay parang balisa ang pakiramdam nya at di maunawaan kung bakit nang hindi na sya makatiis pumasok sa kwarto si ALMA para tingnan kung may mensahe ba para sa kanya laking gulat ni ALMA ng mabasa ang mensahe ng kapatid na ang anak nya ay may sakit!Napaiyak si ALMA at hindi malaman ang gagawin dahil kailangan daw ng malaking halaga.
Habang nasa kusina at nagluluto si ALMA ay panay ang patak ng luha nya dahil wala siyang pera na maaaring maipadala at dahil mahigpit ang amo nahihiya siyang magsabi para sa maagang sahod. Ngunit wala cyang nagawa dahil kailangan nya naglakas loob siyang nagsabi sa amo pero siya bigo nanlulumo si ALMA at nang gabing yon ay di siya makatulog,nagtawag cya ng mga kaibigan para hiraman ngunit bigo parin siya pagod na pagod kakaisip si ALMA hanggang sa makatulog cya at paggising ay problema parin ang kinakaharap nya
Abot abot ang PANALANGIN ni ALMA na sana may magawa siyang paraan bago magtanghali inutusan siyang mamalengke ng amo sumunod lang siya at habang naglalakad naka tungo lang at walang humpay ang patak ng luha hanggang sa may makita siyang pitaka sa daan na naglalaman ng malaking halaga.
Laking tuwa ni ALMA naisip nya yun na yta ang solusyon sa problema nya ngunit bigla ay napatigil siya at natakot kaya hindi na nagdalawang isip si ALMA at hinanap kung saan ang nag mamay ari ng pitaka.
Nang mahanap nya ito ay laking tuwa ng may ari dahil napaka importante daw ng mga Cards na nakapaloob nagkapalagayan sila ng loob at maya maya dali dali cyang nagpaalam dhil bka mawalan na siya ng trabaho sa wala sa oras na pag uwi binigyan siya ng numero ng may ari ng wallet at kung ano man ang mangyari maaari siyang tawagan.
Paguwi ni ALMA laking galit ng amo at wlang sabi sabi pinagbalot cya ng gamit at pinaalis lalo pang nadagdagan ang problema nya parang gusto na nyang sumuko.pero naalala ang anak…hindi cya nagdalawang isip at tinawagan nya ang may ari ng wallet at cnabi nyan lahat ang problema.Hindi rin nagdalawang at nabigyan cya ng trabaho at natulungan pa cyang maipagamot ang anak…hanggang ngayun.dun parin cya naninilbihan at suportdo pa pagaaral ng anak nya ang saya po diba? GOD IS GOOD ALL THE TIME.
So sanay magkaron din ng aral ang kwentong ito ; KUNG MAY TIYAGA,MAY NILAGA.
AT WAG MAGHAHANGAD NG KAGITNA, AT BAKA ISANG SALOP ANG MAWALA.