In an episode of “Raffy Tulfo in Action“, Junalie Caballar, together with her niece and 2 nephews travelled from Tanza, Cavite to seek help from Raffy Tulfo because their parents abandoned them and failed to sustain their needs.
According to Junalie, the children were under her custody 2 years ago after her brother, Alvin Caballar, the father of the children, asked her to get them from their grandparents for they are already old and could no longer take care of them. She knew it was just a temporary set-up but the parents had not taken custody over the children since then.
Initially, Alvin told Junalie that he will be sending money to support them. Unfortunately, he did not fulfill his promise and had left for Mindanao to be with his mistress. On the other hand, their mother, Leni Ann who is working as an OFW did not also support them.
Prior to their arrangement, Junalie had been working as an OFW in Saudi Arabia. When she came back to the Philippines, she had given all her time to her niece and 2 nephews. And since she is jobless, financially, she cannot sustain all of their needs. It is then that she decided to go to Raffy and appealed to the parents of the children as she cannot stand the kind of life that they are experiencing.
As soon as Raffy heard their story and learned how difficult life had been for them, he immediately extended monetary assistance and coordinated with DSWD (Department of Social Welfare and Development) to consult their situation. The agency then promised to give Junalie a capital so she can start a sari-sari store as a source of income.
Raffy knew that the income coming from a sari-sari store won’t suffice their needs so he also pledged to give her a capital for a carinderia as Junalie mentioned that she knows how to cook. He then learned that Junalie used to have a sari-sari store but was unable to sustain its operation because all of her income were spent for the children’s needs.
Towards the end of the show, Junalie was overwhelmed with the assistance extended to them by Raffy. Junalie knew it would be a big help for them and is timely since the children will be back for school on June.
Junalie and the 3 children may have failed to find assistance from their parents whom they expected to find help but luckily, there are still those people always willing to help.
The netizens who watched the episode were touched by the story and had commended Raffy for his genuine desire to help. At the same time, they felt anger towards the parents of the children who had totally abandoned them. Heartless parents as they say.
Facebook Post :
MGA BATANG ITINAKWIL NG KANILANG MGA MAGULANG!
Siya si Junalie Caballar. Lumuwas siya mula Tanza, Cavite tangay ang 3 niyang mga pamangkin para humingi ng tulong kay Idol Raffy na manawagan sa Tatay at Nanay ng mga bata na nag-abandona sa kanila.
Dalawang taon nang nakalipas nang pakiusapan si Junalie ng kapatid niyang si Alvin Caballar, ang tatay ng mga bata, na kung pwede’y pansamantala muna niyang kunin ang mga ito sa lola nila dahil hindi na raw ito kayang maalagaan ng matanda.
Dating OFW si Junalie sa Saudi at pagbalik niya ng Pilipinas, gaya ng napag-usapan nilang magkapatid bago siya umuwi, inilaan niya ang lahat ng kanyang panahon sa pag-aalaga sa kanyang mga pamangkin na tinuring niya na ring parang mga sariling anak.
Ang problema, gutom ang inabot ng mga bata dahil hindi tumupad si Alvin sa usapan na magbibigay ng pinansyal na suporta para sa kanila. At ang masaklap pa, bigla na lang umeskapo si Alvin patungong Mindanao at sumama sa kanyang kabit.
At parang hindi pa sapat ang pasakit na inabot ng mga kawawang paslit mula sa kanilang walang awa’t konsensyang ama, ang kanilang inang si Leni Ann naman na isang OFW at tanging pag-asa nilang sasagip sa naghihikahos nilang kalagayan ay tinalikuran na rin sila.
Kahit hirap, hindi maatim na pabayaan ni Junalie ang kanyang mga pamangkin at pilit niyang tinaguyod na mag-isa. Minsan pa nga na wala silang makain, laking pasalamat nila sa natumbang puno ng saging sa tabi ng kanilang tinitirhan dahil sa bagyo. Ang mga bunga nito ang nagsilbing panglaman ng kumakalam nilang mga sikmura ng ilang araw.
Hanggang sa ngayon ay paulit-ulit niya raw sinusubukan na tawagan ang mga magulang ng kanyang mga pamangkin pero hindi na siya nila pinapansin. Magpapasukan pa naman at hindi niya alam kung saan kukuhain ang pampa-aral sa mga bata.
Dito niya na naisipang lumapit kay Idol Raffy para subukan muling manawagan sa mga magulang ng mga pamangkin.
Bigo man siyang ma-contact ang ina at ama ng bata, nabuhayan naman siya ng pag-asa nang makaharap si Idol Raffy. At nang malaman ni Idol na hindi pa sila naghahapunan at almusal, inilibre sila agad ng lunch at inabutan ng tig-iisang libong piso ang mga bata pati na si Junalie para pambili ng gusto nilang kainin pag-uwi.
Agad ding tinawagan ni Idol Raffy ang DSWD para ilapit ang kanilang sitwasyon. Nangako ang ahensya na magbibigay ng maliit na puhunan kay Junalie para makapag-umpisa ng munting kabuhayan tulad ng maliit na sari-sari store. Napag-alaman ni Idol na dati nang may sari-sari store si Junalie pero nasimot na ang mga laman nito dahil kinain nila ng mga alaga niya noong mga panahong wala silang natatanggap na suporta mula sa mga magulang ng mga bata.
Alam ni Idol Raffy na hindi sasapat ang katiting na kikitain sa sari-sari store para buhayin silang apat lalo pa’t mag-aaral na ang mga bata. Kaya nangako si Idol Raffy na bibigyan din ng “carinderia showcase” si Junalie bilang dagdag kita na ipupwesto sa tabi ng kanyang sari-sari store. Nabanggit niya kasi kay Idol na marunong siyang magluto ng mga ulam at meryenda.
Maluha-luha sa tuwa si Junalie at bakas din sa mukha ng mga bata ang kaligayahan. Bagamat mga musmos pa, batid nila na hindi na sila magugutom pang muli dahil sa mga dadating na tulong mula sa DSWD at kay Idol Raffy.