Ang Overseas Employment Certificate (OEC) ay ginagamit ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) upang makalabas ng bansa at makapaghanap ng trabaho.
Dahil ito ay isang importanteng dokumento at pahirapan din ang pagkuha nito lalo na sa Kuwait kung saan napakainit ng panahon at kailangan mo pang pumila sa labas ng POLO bago makakuha ng queuing number, sinabayan na rin ito ng kalokohan ng ilang pinoy upang maka-huthut ng pera sa kapwa nila kababayan.
Sa isang larawan na kumakalat ngayon sa social media ay makikita ang isang lalaki na nasa labas ng POLO office habang nakapila ang mga OFW na kukuha ng OEC.
Merong mga OFW na nakapila na sa labas simula pa lang alas-7 ng umaga upang makakuha ng sinasabing queuing number.
Ngunit, may isang lalaki na nagbebenta ng queuing number sa halagang KD10 para sa mga OFW na hindi gusting pumila ng matagal at makakuha ng number kahit hindi na agahan ang pagpila.
Ito ay napakalaking kalokohan lalo na sa mga pumila ng maaga upang makakuha ng number. Inalmahan ito ngkaramihan na hindi gusting magbayad.
Ang sinasabing lalaki ay kasabwat din daw ng security guard ng tanggapan kung kaya nakakakuha siya ng maramihang queuing number.
Kapansin-pansin din ang napakabilis na pagkaubos ng number. Kaya naman pala ito nauubos ng mabilis ay dahil sabinibenta ito ng negosyanteng pinoy at security guard.
Ang tanong, alam ba ito ng ibang kawani ng POLO?