Ang Embahada ay nananawagan sa kung sino man ang nakakakilala sa mga kamag-anak o kaibigan ni Ms. Asria Tazil Salik.
Napagalaman namin ngayong araw, 09 June 2020, na si Salik ay namatay noong 30 May 2020 ayon sa salaysay ng kanyang amo na bumisita sa Embahada.
Ayon sa Death Certificate no. 448475 dated 05 June 2020 base sa Autopsy Report no. 7570 dated 30 May 2020 , si Salik ay namatay dahil sa “inflammation of lungs and its complications”.
Hinihintay pa sa mga awtoridad kung may foul play sa pangyayari o may kinalaman ang COVID-19 sa pagkamatay ng OFW.
Si Salik ay walang iqama o visa, nagtrabaho bilang kasambahay dito sa Hay Al-Muthana, Iraq mula 2011 ayon sa kanyang amo, ngunit hindi nagrenew ng kanyang pasaporte nang mag-expire ito noong 2014.
Huling na-renew ang kanyang pasaporte sa Manama, Bahrain.
Thank you for sharing. Other passport details blurred to avoid identity theft.
Source Philippine Embassy Iraq