mismong araw ng anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang anak.
Ayon sa balita, bumuli ng ticket ng Mahzooz ang 38 taong gulang na si Catherine, isang Pilipina, at ang draw mismo ay nasakto sa anibersaryo ng pagkamatay ng kanyang anak. Ang napanalunan niya ay nagkakahalagang Dh500,000.
“I participated on March 8, the anniversary of my son’s death. That day, I had a feeling that I just couldn’t understand. I just knew that something big was going to happen,” saad ni Catherine na nakatira sa Sharjah.
Tumama ang 5 sa 6 na numero niya at napanalunan ang second prize kasama ang isang Pakistani expatriate na si Farhan. Ang maswerteng numero ay 3-8-19-24-25-47 kung saan ginanap ang draw nuong Marso 13.
Ang sabi pa ng Pilipina na emotional siya nung binili niya ang ticket ng araw nay un dahil nawala sa kanya ang kanyang sanggol na ay sakit na biliary atresia. Ito ay naganap ilang taon na ang nakakalipas.
“It was a liver disease that required a transplant. I was actually a donor for my baby, but his condition became worse and unfortunately, he didn’t survive,” sabi ng Pinay.
“The numbers I chose were all related to us — 3 is my eldest son’s birthday, 8 is the death anniversary of my second son, 19 is my youngest son’s birthday, 24 is my birthday and the number 25 just appeared in my dream,” saad pa ni Catherine.
Para naman sa napanalunan niya, hindi daw mag aatubili ang Pinay na ipamahagi ito sa iba.
“The money will be spread out. We will give a portion to the church, donate to biliary atresia patients, give some to my siblings and start a business of our own. This (prize) was an answer to our prayers and I know that our late son is thinking about us,” sabi ni Catherine.
Source GulfNews